ANG SANTO ROSARYO NG MAHAL NA BIRHENG MARIA
+ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
Pananampalataya ng mga Apostol (Apostles Creed)
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na maygawa ng langit at lupa. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo; ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato; ipinako sa krus, namatay at inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao, nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit; naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumula't paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika; sa kasamahan ng mga Banal, sa ikawawala ng mga kasalanan; at sa pagkabuhay na mag-uli ng mga nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan.
Ama Namin (Our Father)
Ama namin, sumasa-langit Ka. Sambahin ang ngalan Mo. Mapasa amin ang Kaharian Mo. Sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin Mo kami sa aming mga sala, para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya Mo kami sa lahat ng masama.
Aba Ginoong Maria (Hail Mary)
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si Jesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami y mamamatay.
Luwalhati (Glory Be)
Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo.
Kapara nang sa una, ngayon at magpakailanman, magpasawalang hanggan. Amen.
O Jesus Ko (Oh My Jesus-Fatima Decade Prayer)
O Jesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa purgatoryo.
Lalong-lalo na yaong higit na nangangailangan ng iyong awa.
Ang Mga Misteryo ng Tuwa ( Lunes at Sabado )
- Sa Unang Misteryo ng Tuwa, pagnilayan natin ang Pagbati ng Arkanghel San Gabriel kay Santa Maria
- Sa Ikalawang Misteryo ng Tuwa, pagnilayan natin ang Pagdalaw ni Maria kay Elizabeth
- Sa Ikatlong Misteryo ng Tuwa ay pagnilayan natin ang Kapanganakan ni Jesus sa Bethlehem
- Sa Ika-apat na Misteryo ng Tuwa, pagnilayan natin ang Paghahandog kay Jesus sa Templo
- Sa Ikalimang Misteryo ng Tuwa, pagnilayan natin ang Pagkakatagpo kay Jesus sa Templo
Ang Mga Misteryo ng Hapis (Martes at Biyernes)
- Sa Unang Misteryo sa Hapis pagnilayan natin ang Pananalangin sa Halamanan ng Getsemani
- Sa Ikalawang Misteryo sa Hapis, pagnilayan natin ang Paghahampas kay Jesus sa Haliging Bato
- Sa ikatlong Misteryo sa Hapis, pagnilayan natin ang Pagpuputong ng Koronang Tinik
- Sa ika-apat na Misteryo sa Hapis, pagnilayan natin ang Pagpapasan ni Jesus ng Krus Patungong Kalbaryo (Pagkamatiisin)
- Sa ikalimang Misteryo sa Hapis, pagnilayan natin ang Pagpapako at Pagkamatay ni Jesus Sa Krus – (Kaligtasan)
Ang Mga Misteryo ng Luwalhati ( Mierkoles at Linggo )
- Sa unang Misteryo sa Luwalhati, pagnilayan natin ang Pagkabuhay na muli ng ating Panginoong Hesukristo.
- Sa ikalawang Misteryo sa Luwalhati, pagnilayan natin ang Maluwalhating Pag- akyat sa Langit ng ating Panginoong Hesukristo
- Sa ikatlong Misteryo sa Luwalhati, pagnilayan natin ang Pagpanaog ng Espiritu Santo sa Labindalawang Apostoles at sa Mahal na Birheng Maria
- Sa ika-apat na Misteryo sa Luwalhati, pagnilayan natin ang Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birhen
- Sa Ikalimang Misteryo sa Luwalhati, pagnilayan natin ang Pagkokorona sa Mahal na Birhen bilang Reyna ng Langit at Lupa
Ang Mga Misteryo ng Liwanag ( HUWEBES )
- Sa unang Misteryo ng Liwanag, pagnilayan natin ang Pagbibinyag kay Jesus
- Sa ikalawang Misteryo ng Liwanag, pagnilayan natin ang pagpapahayag ni Jesus ng kanyang sarili sa kasalan sa Cana
- Sa ikatlong Misteryo ng Liwanag, pagnilayan natin ang pagpapahayag ni Jesus ng Kaharian ng Diyos, sa pagtawag patungo sa pagbabago
- Sa Ika-apat na Misteryo ng Liwanag, pagnilayan natin ang Pagbabagong-anyo ni Jesus sa Bundok ng Tabor
- Sa Ikalimang Misteryo ng Liwanag, pagnilayan natin ang pagtatatag ni Hesus ng Banal na Eukaristiya
Aba Po Santa Maria (Hail Holy Queen)
Aba po Santa Mariang Hari, Ina ng Awa. Ikaw ang kabuhayan at katamisan; Aba pinananaligan ka namin. Ikaw nga ang tinatawagan namin, pinapanaw na taong anak ni Eva. Ikaw rin ang pinagbubuntuhang hininga namin ng aming pagtangis dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain, ay saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina na Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen.
LITANIYA ng MAHAL NA BIRHEN
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, maawa ka sa amin.
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, pakinggan mo kami.
Kristo, paka- pakinggan mo kami.
Diyos Ama sa langit, Maawa ka sa amin.
Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan,
Maawa ka sa amin.
Diyos Espiritu Santo, Maawa ka sa amin.
Santisima Trinidad na tatlong Persona at iisang Diyos, Maawa ka sa amin.
Santa Maria, Ipanalangin mo kami
Santang Ina ng Diyos,
Santang Birhen ng mga Birhen,
Ina ni Kristo,
Ina ng Simbahan,
Ina ng Awa,
Ina ng grasya ng Diyos,
Ina ng Pag-asa,
Inang kasakdal-sakdalan,
Inang walang malay sa kahalayan,
Inang 'di malapitan ng masama,
Inang kalinis-linisan,
Inang ipinaglihi na walang kasalanan,
Inang kaibig-ibig,
Inang kataka-taka,
Ina ng mabuting kahatulan,
Ina ng may gawa sa lahat,
Ina ng mapag-adya,
Birheng kapaham-pahaman,
Birheng dapat igalang,
Birheng dapat ipagbantog,
Birheng makapangyayari,
Birheng maawain,
Birheng matibay na loob sa magaling,
Salamin ng katuwiran,
Luklukan ng karungunan,
Mula ng tuwa namin,
Sisidlan ng kabanalan,
Sisidlan ng bunyi at bantog,
Sisidlan ng bukod-tanging katimtiman
Rosang bulaklak na 'di mapuspos ng bait ng tao ang halaga,
Torre ni David,
Torreng garing,
Bahay na ginto,
Kaban ng tipan,
Pinto ng langit,
Talang maliwanag,
Mapagpagaling sa mga maysakit,
Pagsasakdalan ng mga taong makasalanan,
Tulong ng mga Migrante,
Mapang-aliw sa nangagdadalamhati,
Mapag-ampon sa mga kristiyano,
Reyna ng mga anghel,
Reyna ng mga patriarka,
Reyna ng mga propeta,
Reyna ng mga apostol,
Reyna ng mga martir,
Reyna ng mga confesor,
Reyna ng mga Birhen,
Reyna ng lahat ng mga santo,
Reyna ng ipinaglihi na 'di
nagmana ng salang orihinal,
Reyna ng iniakyat sa langit,
Reyna ng kasantu-santuhang Rosaryo,
Reyna ng pamilya,
Reyna ng kapayapaan.
Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan.
- Patawarin mo po kami, Panginoon.
Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan.
- Paka-pakinggan mo po kami, Panginoon.
Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan.
- Maawa ka sa amin.
Ipanalangin mo kami, Reyna ng kasantusantuhang Rosaryo.
- Nang kami'y maging dapat makinabang ng mga pangako ni Jesukristo.
Diyos at Panginoon namin, na ang bugtong na Anak Mo ay siyang ipinapagkamit namin ngagalinga't kabuhayang walang hanggan sa pamamagitan ng kanyang pagkakatawang- tao, pagkamatay at pagkabuhay mag-uli, ipagkaloob Mo, hinihiling naming sa Iyo, na sa pagninilay-nilay naming nitong mga misteryo ng Santo Rosaryo ni Santa Mariang Birhen ay hindi lamang matularan namin ang mga magagaling na halimbawang nalalarawan sa amin; kundi naman makamtan namin ang mga kagalingang ipinangako sa amin; alang- alang kay Hesukristo Panginoon namin; na kapisan Mo at ng Espiritu Santo nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan.
O MARIA, IPINAGLIHING WALANG BAHID- DUNGIS NG KASALANAN, IPANALANGIN MO KAMING DUMUDULOG SA IYO AT PARA SA MGA HINDI DUMUDULOG SA IYO, LALUNG-LALO NA ANG MGA KAAWAY NG BANAL NA SIMBAHAN AT LAHAT NA ITINATAGUBILIN SA IYO.
Para sa intensiyon ng Santo Papa:
Ama namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati
Para sa mga taong pinangakuan natin ng ating mga panalangin, at mga nagmamalasakit sa atin:
Aba Ginoong Maria…
SAN MIGUEL ARKANGHEL, iligtas mo kami sa panganib, maging aming sandigan laban sa kasamaan at panlilinlang ng demonyo. Isinasamo namin na puksain nawa siya ng Diyos, O Prinsipe ng mga Hukbo sa Kalangitan, sa kapangyarihan ng Diyos, itapon sa impiyerno si Satanas at ang lahat ng masasamang espiritu na umaaligid sa mundo at nagtatangkang ipahamak ang mga kaluluwa. Amen.
Para sa mga mahal nating pumanaw na:
N: Pagkalooban mo sila PANGINOON ng kapayapaang walang hanggan.
S: Liwanagan mo sila ng di magmaliw mong ilaw.
N: Mapanatag nawa sila sa kapayapaan.
S: Siya Nawa.
Anghel ng Diyos, Na sa iyo ako’y ipinag-tagubilin ayon Sa habag ng Kataas-taasan, sa aking tabi ngayon ay manatili upang ako ay liwanagan, ingatan, pamunuan at gabayan. Amen.
(habang nag-aantanda ng krus)
Tayo nawa’y basbasan ng Panginoon, Ipag-adya tayo sa lahat ng masama, At dalhin tayo sa buhay na walang hanggan.